Dumating na ang dagdag na 38,000 doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na gawa ng British-Swedish company na AstraZeneca kagabi.
Lumapag ang KLM commercial flight sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 bandang alas-6:44 ng gabi dala ang ikalawang batch ng bakuna mula sa inisyatibo ng World Health Organization (WHO).
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., ito ang dagdag bakuna sa ipinangakong 526,600 doses na bakuna na unang alokasyon ng Covax facility sa Pilipinas.
Una ng sinabi ni Galvez na hindi sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng ikalawang batch ng bakuna.
Samantala, umaasa naman ang Pilipinas na makakarating sa bansa ang 4.5-milyong doses na sinabi ng WHO mula sa AstraZeneca hanggang sa buwan ng Mayo. —sa panulat ni Rashid Locsin