Dumating na sa Maynila ang karagdagang 3,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines mula sa pamahalaan.
Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, nagpapasalamat ang Lungsod sa national government para sa karagdagang suplay ng naturang bakuna na nakalaan para sa ikalawang dose na ituturok sa mga naunang nabakunahan.
Batay sa pinakabagong tala, mayroon nang 221,838 na kabuuang bilang nang nabakunahan sa Maynila at 61,218 mula sa mga ito ay naturukan na para sa ikalawang dose.