Dumating na sa bansa ang dagdag na 400,000 Sinovac vaccines mula China.
Pasado alas-7 kaninang umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Philippine Airlines (PAL) chartered flight na kumuha ng mga naturang bakuna.
Binigyang diin sa DWIZ ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna na itinuturing nila itong milestone flight kung saan umalis kagabi ang kanilang team pa-Beijing.
Naghahanda na rin aniya sila sa pag-pick up naman ng 1-milyong doses ng Sinovac vaccines sa China sa ika-29 ng Marso.
Ang susunod na mission na gagawin ng PAL is the pick-up of the 1-million doses of Sinovac vaccine on March 29 mula China. Antabayan po ang mga detalye, so far, we are focusing first on the arrival,” ani Villaluna. —sa panayam ng IZ Balita Nationwide