Lumapag na kagabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang eroplanong may lulan ng mahigit 450,000 doses ng Pfizer vaccine.
Ayon kay Dr. Maria Paz Corrales, director ng National Task Force Against COVID-19, binili ito ng Pilipinas mula Amerika at gagamitin sa vaccination ng adult population.
Sa ngayon ay nasa 206,998,400 doses na ang mga bakunang dumating sa bansa, kabilang na ang mahigit 59 million na itinurok.
Samatala, patuloy na hinihikayat ng pamahalaan ang publiko na magpabakuna para mas marami ang maging protektado sa sakit at makontrol na ang pagkalat ng COVID-19. —sa panulat ni Mara Valle