Karagdagang 455,000 doses ng Pfizer vaccines ang dumating na sa bansa.
Ayon kay Assistant Secretary Wilben Mayor ng National Task Force Against COVID-19, gagamitin ang mga bakuna sa adults at adolescents age groups bilang primary doses at booster.
Dahil sa panibagong batch ng mga bakuna, umabot na sa 218,233,530 ang kabuuang bilang ng doses na dumating sa bansa.
Naipamahagi na ang nasa 130 million na COVID-19 vaccine dose at mahigit 60 million na ng populasyon ang fully vaccinated at 8.2 million na ang tinurukan ng booster.
Samantala, mamayang gabi inaasahang darating din ang ikalawang batch ng 780,000 reformulated Pfizer-Biontech vaccine doses para sa mga edad lima hanggang labing-isa. —sa panulat ni Mara Valle