Karagdagang 5.4 milyong bagong botante ang naitala ng Comelec, tatlong buwan bago matapos ang voter registration.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, naitala ang nasabing bilang hanggang noong Hulyo 10.
Gayunman, hindi pa anya inaaprubahan ng poll body ang applications habang inaasahang mababalam ang pagpaparehistro lalo’t muling sasailalim ang NCR plus area at ilang lugar sa ECQ.
Magtatapos naman ang nationwide voter registration sa Setyembre 30.
Samantala, tinalakay ng Comelec ang posibleng online revalidation ng mga rehistradong botante na deactivated dahil sa hindi pagboto sa nakalipas na dalawang halalan. — sa panulat ni Drew Nacino.