Dumating na sa Pilipinas ang karagdagan pang 500,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese firm na Sinovac Biotech ngayong umaga ng Huwebes.
Lulan ng chartered Cebu Pacific flight ang mga naturang bakuna na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong alas-7:35 ng umaga ngayong araw.
Sa kabuuan ay nasa 5.5-milyong doses na ng Sinovac vaccine ang dumating sa bansa:
- 1,500,000 doses noong May 7
- 500,000 noong April 29
- 500,000 noong April 22
- 500,000 noong April 11
- 1,000,000 noong March 29
- 400,000 nong March 24, at
- 600,000 noong February 28.
Samantala, donasyon naman mula sa gobyerno ng China ang unang dalawang shipments ng Sinovac vaccine habang ang mga sumunod ay binili na gobyerno.