Lumapag na sa bansa ang karagdagang 500,000 doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine mula sa Chinese firm na Sinovac Biotech ngayong umaga ng Huwebes.
Sakay ng chartered Cebu Pacific flight mula sa Beijing, China ang mga naturang bakuna.
Ito na ang ikaanim na batch ng Sinovac vaccine na dumating sa Pilipinas.
Sa kabuuan ay mayroon nang 3.5-milyong dose ng Sinovac vaccine o CoronaVac ang natanggap ng bansa, kabilang na ang mga idinonate ng Chinese government.
TINGNAN: 500,000 doses ng Sinovac vaccine mula sa Beijing, China, dumating na sa bansa ngayong umaga ng Huwebes | via @raoulesperas pic.twitter.com/b9XdxQPcbB
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 29, 2021
Samantala, kabilang naman ang ikaanim na batch ng Sinovac vaccine na ito sa mga bakunang binili na ng pamahalaan. —ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)