Dumating na kahapon sa bansa ang karagdagang 500,000 doses ng Sinovac vaccine na mula sa China.
Lumapag sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplanong karga ang 500,000 doses ng Sinovac na binili ng Pilipinas sa China.
Una nang naideliver sa bansa noong ika-29 ng Marso ang unang order na CoronaVac vaccines habang natanggap na rin ng bansa ang dalawang batch na bakuna na donasyon ng China.
Samantala, inaasahan namang darating ngayong Abril o Mayo ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na Sputnik V na mula naman sa Russia. sa panulat ni Rashid Locsin