Mahigit 609,000 pang Pfizer-Biontech COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa, kagabi.
Ang panibagong batch ng Pfizer ay bahagi ng biniling bakuna ng gobyerno ng Pilipinas mula sa US.
Target ng Inter-Agency Task Force na maabot ang 5 million covid vaccine jabs kada araw upang agad makamit ang herd immunity sa lalong madaling panahon.
Nito lamang unang bahagi ng Nobyembre ay sinimulan ng pamahalaan ang Nationwide Vaccination ng mga edad 12 hanggang 17 bilang bahagi ng pediatric jab coverage kontra COVID-19.
Sa ngayon ay aabot na sa 32.9 million individuals na ang fully vaccinated habang 40.9 million ang tumanggap na ng first dose sa bansa. —sa panulat ni Drew Nacino