Dumating na sa bansa ang karagdagang mahigit 800K doses ng Astrazeneca COVID-19 vaccine kahapon.
Nasa 844, 800 na doses ng Astrazeneca na mula sa Covax Facility at donasyon ng gobyerno ng Germany.
Ang naturang bakuna ay lulan ng Emirates Airlines flight EK 332 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 bandang alas kwatro ng hapon, kahapon.
Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. Sa pamahalaan ng germany.
Aniya, mahigit 400 Filipino ang magbebenepisyo ng mga dumating na bakuna.