Pumalo na sa 11,510 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa hanay ng mga Pilipinong nasa ibayong dagat.
Sa datos ng DFA, ito’y makaraang maitala ang 9 na panibagong kaso ng virus.
Dalawa naman ang napaulat na gumaling sa virus, kaya’t lumobo na ang total recoveries sa 7,458.
Samantala, nanatili namang nasa 828 ang bilang ng mga nasawing pilipino sa ibayong dagat dahil sa COVID-19.