Ipinadala na ngayong araw ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council ang karagdagang ayuda para sa mga biktima ng kambal na pagyanig sa Itbayat Batanes kahapon
Ayon kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal, aabot sa mahigit 3 daang libong family Food Packs ang naka-standby mula sa DSWD o Department Of Social Welfare and Development
Sa panig naman ng DSWD Region 2, nasa 30 libong food packs ang nakatakda nilang ipamahagi para sa 2 libong apektadong residente na nangangailangan ng tulong
Mula sa Clark International Airport, ipadadala ang mga ayuda para sa mga naapektuhan ng linol sa Tuguegarao sakay ng C-130 Plane ng Philippine Airforce at saka ito ililipat sa C-295 Plane mula cagayan patungong Basco
Maliban dito, sinabi ni Timbal na sunud-sunod na rin ang mga ipinaabot na tulong ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa mga apektado ng lindol