Pumalo na sa 6,030 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) batay sa datos ng PNP health service, ito’y makaraang maitala ang karagdagang 40 mga bagong kaso ng nakamamatay na virus.
Sa naitalang mga bagong kaso, kapwa 8 ay nagmula sa NCRPO at Cordillera, 6 sa national operations support unit, at 5 naman mula Administrative Support Unit samantalang apat sa Central Luzon, 3 sa Northern Mindanao, 2 naman ay nagmula sa Zamboanga Peninsula.
Habang tig-isa ang nagmula sa mga rehiyon ng Ilocos, Bicol, Calabarzon at BARMM sa kabuuang bilang 1,170 ang kabuuang aktibong kaso ng COVID-19 ang nasa hanay ng PNP.
59 naman ang mga nadagdag sa bilang ng mga nakarekober sa virus, kaya’t umabot na ito sa 4,843, sa kaparehong bulletin mula sa PNP health service, nanatiling nasa 17 bilang ng mga nasawi sa hanay ng PNP dahil sa virus.