Dumating na sa bansa ang mahigit walong daang libong Pfizer Biontech Covid-19 vaccines.
Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3 via Emirates Flight EK332 ang 889,200 doses na bakuna na donasyon ng bansang Amerika.
Umabot na sa 75.59 milyong doses ng ang kabuuang Covid-19 vaccine na natanggap ng bansa kung saan kalahati nito ay bakunang mula sa China.
Una nang inanunsiyo ng US government na nasa lima punto limang milyon Pfizer vaccine ang ipapadala sa pamamagitan ng Covax facility sa susunod na linggo.
Sa ngayon, nasa 17, 840, 230 doses ng Covid-19 vaccine ang kabuuang suplay ng bakuna na natanggap ng Pilipinas mula sa Covax.