Hiniling na ni Negros Oriental Governor Roel Degamo kay Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez Jr. ang karagdagang bakuna sa gitna ng pagtuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
Ginawa ang hiling makaraang isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte probinsya sa mas mahigpit na modified enhanced community quarantine.
Gayunman, hindi idinetalye ni assistant provincial health officer Dr. Liland Estacion, commander ng IATF – Negros Oriental kung gaano karaming bakuna ang kanilang.
Aminado si Estacion na mabagal ang vaccination rollout sa Negros Oriental kumpara sa ibang local government units at nakadepende aang replenishment ng mga bakuna sa kanilang consumption rate na 85%.
Sa ngayon ay aabot na sa 41,124 doses ang natanggap ng Negros Oriental na pawang Sinovac at AstraZeneca vaccines at umabot na sa 23,130 ang tumanggap ng first dose at 11,803 para sa second dose ng Sinovac. — Sa panulat ni Drew Nasino.