77 pang bloke ng cocaine ang natagpuan ng mga otoridad sa dalampasigan ng Barangay Pacifico, San Isidro sa Surigao del Sur.
Maliban pa ito sa tinatayang 37 bloke ng hinihinalang cocaine na una nang natagpuan sa dalampasigan ng Dinagat Islands nuong Miyerkoles.
Ayon kay Police Regional Office 13 Director Chief Supt. Gilbert Cruz, agad silang nakipag-ugnayan sa iba pang units ng pulisya at PDEA para galugarin ang mga nabanggit na dalampasigan.
Sa kabuuan, aabot na sa 40 bloke ng cocaine ang nasabat ng mga otoridad na may tinatayang may timabang na 40 kilo at nagkakahalaga ng P212 million.
Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng pulisya ang mga narekober na kontrabando para isailalim sa pagsusuri.