Inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang tatlong broadband ng masa sites sa tatlong malalayong lugar sa Zamboanga City.
Unang nagtungo ang DICT sa Sacol upang alamin ang posibilidad ng paglalagay ng stable internet service sa Isla.
Matapos ang isinagawang assessment ng ahensya, nabatid na maaari pang palawigin ang connectivity sa Tigtabon at Pangapuyan.
Maaaring ma-access sa piling lugar ang Broadband ng Masa sites kung saan, sa Sacol Island ay accessible ang libreng internet service sa Madrasah, Landang Laum Elementary School, Landang Laum Barangay Hall, at Landang Gua Elementary School.
Sa Pangapuyan Island ay maaari itong ma-access sa Pangapuyan Elementary School at Pangapuyan Barangay Hall, habang accessible naman ang broadband ng masa site sa Tigtabon sa Tigtabon Barangay Hall.