Dapat dagdagan ng pamahalaan ang budget sa mga atletang lalahok sa International Sports Events.
Ito ang panawagan ni Deputy Speaker Bambol Tolentino sa Philippine Sports Commission o PSC partikular sa ilalim ng Philippine Olympic Committee o POC.
Aniya binigyan ng Department of Budget and Management o DBM ng P175 milyon na pondo ang PSC para sa 2022 budget.
Dahil dito, hiniling ni Tolentino na itaas sa P650 milyon ang pondo ng ahensya sa susunod na taon upang madagdagan ang budget para sa POC na in-charge sa mga International Sports Competition at sa mga atleta.
Sinabi pa ni Tolentino na mas madami pang sasalihan ngayon ang mga pilipinong atleta kabilang na ang Winter Olympics, Asian Games, Asian Youth Games at sea games sa Vietnam.
Umaasa si Tolentino na isasama sa ‘period of amendments’ o sa Bicameral Conference Committee ang hirit na dagdag na pondo sa PSC.—sa panulat ni Angelica Doctolero