Umakyat na sa 3 ang bilan ng mga nasawi, 2 ang sugatan habang 1 ang nawawala dhil sa pananalasa ng Bagyong Dante sa bansa.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, ang ika-3 nasawi ay isang 14 anyos na dalagita mula sa Noralla sa South Cotabato .
Una nang iniulat ang pagkasawi ng 1 taong gulang na bata mula sa Maco, Davao de Oro at ng 71 anyos na lalaki naman sa Panoraon, Davao del Sur.
Kasalukuyang pinaghahanap naman ngayon ang 55 anyos na lalaki sa Noralla South Cotabato na ama ng ikatlong nasawi dahil sa bagyo
Samantala, isang 14 anyos na binatilyo ang nagtamo ng head injury at isang 18 anyos na dalaga naman ang nabalian ng buto sa hita sa Brgy. Macangao sa Davao Oriental.