Panibagong batch ng clinical experts mula Israel ang dumating sa bansa upang ibahagi ang kanilang mga hakbang laban sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa Department of Health, ibabahagi ng mga eksperto ang kanilang clinical guidelines sa COVID-19, infection control protocols, hospital management at iba pang mga hakbang.
Sinabi pa ni Health Undersecretary Leopold Vega na magbibigay rin ng mga rekomendasyon ang mga eksperto.
Matatandaang noong nakaraang buwan nang magtungo sa bansa ang isang grupo ng experts mula sa Israel Ministry of Health upang ibahagi ang kanilang istratehiya sa COVID-19 response. . —sa panulat ni Hya Ludivico