Planong maglunsad ng pamahalaan ng karagdagang cold storage facilities na gagamitin bilang imbakan ng mga aanihing sibuyas sa bansa.
Nabatid na inaasahan ang mas maraming ani ng mga sibuyas ng mga local farmer sa unang bahagi ng taong 2023.
Ayon kay Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) president Danilo Fausto, posibleng simulan na sa buwan ng Enero hanggang Marso ang pagbubukas ng karagdagang pasilidad.
Hinihikayat rin ni Fausto ang pamahalaan na magdagdag ng iba pang pasilidad para naman sa iba pang agricultural products na may layuning maiwasan ang agarang pagkasira ng mga local products sa bansa.