Maaari nang magsimula sa ika-1 ng Oktubre ang mga makukuhang bagong contact tracers ng pamahalaan.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, eksakto ang ika-1 ng Oktubre para sa pagsisimula ng mga kinuhang bagong contact tracers sa paglalabas ng pondo para rito.
Aniya, inuna lamang nila na mapuno ang recruitment ng mga contact tracers gayundin ang pagpapasa nila ng mga requirements para makapagsimula sa trabaho.
Una nang sinabi ni Año na itatalaga sa Metro Manila, partikular na sa Quezon City, ang malaking bilang ng mga bagong hire na contact tracers dahil sa mataas na naitatalang aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Hanggang ngayong araw na lamang, ika-23 ng Setyembre ang palugit para sa aplikasyon ng mga nais maging contact tracers.