Muling nakapagtala ng below 1,000 additional COVID-19 cases sa bansa sa ikalawang sunod na araw.
Sa datos ng Department of Health (DOH) kahapon, umabot sa 989 ang karagdagang kaso ng COVID-19 habang mayroong naitalang 1,349 additional recoveries at 34 deaths.
Dahil dito, lumobo na sa kabuuang 3,664,905 ang COVID-19 cases habang umakyat na sa 3,557,909 ang recoveries.
Lumundag naman sa 56,538 ang death toll at nasa 50,458 na ang aktibong kaso.
Samantala, limang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 document repository system.