Umapela si Senador Risa Hontiveros para sa sapat na pondo upang mapahusay ang disaster preparedness ng Pilipinas.
Sa deliberasyon ng 2025 General Appropriations Bill sa Senado, binigyang-diin ni Senador Hontiveros ang kahalagahan ng pagtiyak na may sapat na pondo ang National Disaster Risk Reduction and Management Council para sa pangangailangan ng bansa.
Ayon sa senador, bilang most disaster prone at climate vulnerable country sa buong mundo, dapat i-prayoridad ang kahandaan sa kalamidad at kakayahang maka-adapt sa epekto ng climate change.
Kasunod nito, hiniling ng mambabatas ang pagkilos ng pamahalaan at i-adjust ang 2025 national budget upang matugunan ang mga nasabing isyu. - sa panulat ni Laica Cuevas