Nakarating na sa bansa ang nasa 868,140 doses ng Pfizer-Biontech COVID-19 vaccine na binili ng pamahalaan sa tulong narin ng World Bank loan.
Ayon sa National Task Force against COVID-19, ang mga nasabing bakuna ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport pasado alas-9 kagabi sakay ng DHL Express Flight LD456.
Nabatid na aabot sa 237M COVID-19 shot ng iba’t ibang mga brand ng bakuna laban sa nakakahawang sakit ang natanggap mula sa ibang bansa.
Sa ngayon, halos 64M indibidwal sa Pilipinas ang fully vaccinated na habang nasa 10.7M naman ang nakatanggap ng booster shot. —sa panulat ni Angelica Doctolero