Isinusulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang karagdagang earthquake drills bilang paghahanda sa posibleng pagtama ng magnitude 7.2 na lindol sa Metro Manila sa hinaharap.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, nais nila ng isang metrowide drill na magsisimula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi kung saan isasara ang mga mall at opisina gayundin ang mga power sources, communications at transportation.
Nangangamba ang MMDA na kaunti ang makaliligtas sakaling tumama sa Metro Manila ang sinasabing “The Big One.”
Samantala, suportado naman ng National Disaster Risk Reduction & Management Council ang inisyatibo ng MMDA lalo’t panahon na upang magkaroon ng mas makatotohanan at seryosong hakbang upang maprotektahan ang publiko.
By Drew Nacino