Dumating sa NAIA Terminal 2 ang halos 600k doses ng Astrazeneca vaccines sakay ng Chinese airlines pasado alas-9 kaninang umaga.
Ayon sa National Task Foce against COVID-19,ang pinakahuling batch ng 575, 800 doses ng Astrazeneca vaccines ay binili ng private sector sa pamamagitan ng dose of Hope program.
Sinalubong nina NTF Chief Implementer and Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion at Astrazeneca Philippines President Lotis Ramin ang panibagong batch ng Astrazeneca vaccines.
Samantala, mamayang hapon naman inaasahan ang pagdating ng 15K doses ng Sputnik V vaccines mula sa Russia.— ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)