Nanawagan ang Private Hospitals Association of the Philippines o PHAP na dagdagan ang mga tauhan sa mga ospital partikular sa mga rehiyon ng Visayas at Mindanao.
Ayon kay Jose De Grano, President ng PHAP, nakitaan ng pagbaba ng kaso sa National Capital Region o NCR at marami rin ang isolation facility dito.
Ngunit aniya mabigat ang sitwasyon ngayon sa mga ospital sa Visayas at Mindanao maging sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.
Ani De Grano, posible kasing dahil galing sa maluwag na quarantine measures kaya muling sumipa ang COVID-19 cases.