Muling nanawagan sa gobyerno ang grupo ng mga pribadong ospital na dagdagan ang kanilang workforce dahil sa patuloy na pagtatala ng mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Jose Rene De Grano, President ng Private Hospitals Associations of the Philippines o PHAP, mayroon pang sapat na mga nakalaang kama para sa mga COVID-19 patient ngunit kulang na kulang na ang kanilang health workers.
Kasabay nito, nanawagan si De Grano sa mga indibidwal na mayroong sintomas ng COVID-19 na makipag-ugnayan muna sa kanilang Barangay health emergency response bago magtungo sa mga ospital upang hindi nila danasin ang paghihintay sa emergency room lalo’t kung sila ay mayroon lamang mild symptoms.