Natanggap ng Pilipinas kagabi ang 810,810 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.
Ang karagdagang suplay ng bakuna ay donasyon ng French government sa pamamagitan ng Covax facility.
Sinabi ni French Embassy First Counsellor Frabrice Fize na masaya sila na makatulong sa Pilipinas sa paglaban nito sa pandemya.
Samantala, nagpahayag rin ng pakikidalamhati si Fize sa mga naapektuhan ng bagyong Odette.
Nagpasalamat naman si Foreign Affairs Assistant Secretary Jaime Ledda sa French government sa natanggap na donasyon.