Dadagdagan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang itatayo nilang klinika kung saan maaaring magpasuri ang publiko ng HIV o Human Immunodeficiency Virus at AIDS o Acquired Immune Deficiency Syndrome.
Ito ay sa kabila ng tumataas na bilang ng mga ng taong nagpopositibo sa HIV / AIDS.
Sinabi ni Mayor Herbert Bautista, batay sa tala ng DOH, mahigit 4000 sa mga kaso ng HIV-AIDS sa bansa ay mula sa Quezon City.
Dahil dito , nangako si Bautista na palalakasin pa nila ang kanilang kampanya laban sa HIV / AIDS at dadagdagan din niya ang pondo para sa libreng HIV testing.
Sa kasalukuyan ay may apat ng HIV testing center sa lungsod na matatagpuan sa Batasan Hills, Novaliches, Project 7 at Kamuning.