Inihirit ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Commission on Elections (COMELEC) na dagdagan ang honararia ng mga gurong nagsilbi kahit tapos na ang halalan.
Ayon sa grupo, may 10,000 guro sa iba-ibang bahagi ng bansa ang patuloy pa rin ang serbisyo kahit tapos na ang halalan lalo na sa mga lugar na nagka-aberya.
Paliwanag ni ACT secretary general Raymond Basilio, tanging sa araw lamang mismo ng halalan ang nilagdaan ng mga guro kung kailan maglilingkod.
Ngunit marami aniya sa mga guro ang lagpas na ng ilang araw mula noong eleksyon ang patuloy pa ring nagsisilbi.
Samantala, ipinabatid naman ng COMELEC ang kahandaan ng komisyon sa panawagang dagdag-bayad para sa mga guro.