Hinikayat ng Department Of Health ang mga ospital maging ang mga Local Government Unit na dagdagan ang kanilang bed capacity para sa mga COVID-19 patient.
Ito, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ay dahil sa patuloy na pagtaas ng healthcare at ICU utilization rate bunsod ng patuloy na pagsirit ng COVID-19 cases sa bansa.
Dapat anyang maglaan ng sapat na mechanical ventilator upang magkaroon ng sapat na kapasidad para sa mga moderate, severe at critical case.
Dapat ding alagaan sa pansamantalang treatment at monitoring facilities ang mga mayroong mild cases at asymptomatic.
Pinabibilisan din ni Duque ang pagbabakuna sa mga priority group upang ma-protektahan ang vulnerable population. —sa panulat ni Drew Nacino