Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay ng karagdagang insentibo sa mga pilipinong atleta na makasusungkit ng medalya sa 30th South East Asian Games (SEA Games).
Ayon kay Senador Bong Go, makaaasa ang mga atleta na tutuparin ng pangulo ang pangako ngunit wala pang ipinahayag kung magkano ang matatanggap ng mga atleta.
Aniya, nabanggit sa kaniya ng pangulo na ikinukonsidera rin nito ang pagbibigay ng order of Lapu-;apu sa mga mananalong atleta.
Magugunitang sa ilalim ng Republic Act Number 10699 o National Athletes, Coaches and Trainers Benefits and Incentives Act ay mayroong matatanggap ang mga mananalo sa SEA Games.
Samantala, inaasahang dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa opening ceremony ng SEA Games sa Sabado, Nobyembre 30 na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.