Dumating na ang mga karagdagang kagamitan para mapaayos pa ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) line 3.
Ayon sa pamunuan ng MRT 3, kabilang sa mga natanggap nilang bagong kagamitan ay ang auxiliary pole-2 at negative return panel na bahagi ng power supply at distribution system ng nasabing linya.
Ang auxillary pole-2 ay bahagi ng electrical switch, samantalang ang negative return panel naman ang siyang kumukonekta sa sobrang kuryente mula sa riles upang hindi ito masira.
Paliwanag pa ng pamunuan ng MRT 3 na mahalaga ang mga naturang kagamitan para mapanatiling ligtas ang suplay at pamamahagi ng kuryente sa buong linya upang maiwasan ang anumang aberya. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)