Bumaba pa ang karagdagang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
Nakapagtala lamang ang Department of Health ng 1,894 na bagong kaso ng COVID-19 at 1,421 recoveries pero nasa 170 ang namatay, kahapon.
Sa kabuuan, sumirit na sa 2,813,115 ang nagkasakit habang 2,738,975 na ang gumaling at 45,035 na ang namamatay.
Lumagpak na rin sa 29,105 ang mga aktibong kaso ng COVID-19.
Samantala, dalawang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System. —sa panulat ni Drew Nacino