Siyam na local government units ang tinukoy na coronavirus disease 2019 (COVID-19) high risk areas ng UP OCTA Research Team dahil sa mataas na arawang kaso, attack rate o high hospitalization occupancy.
Ayon sa report ng OCTA Research Team ang Makati City, Malabon City, Baguio City, Itogon, Benguet Tuba, Benguet, Lucena, Quezon ,Iloilo City , Catarman, Northern Samat at Pagadian, Zamboanga Del Sur ay maaaring makaranas ng hospital burden sa mga susunod na linggo na maaaring makayanig sa health care systems nito at makapagdulot ng stress sa kanilang medical frontliners.
Dahil dito isinulong ng OCTA research team ang pagpapalakas pa ng testing, contact tracing at isolation efforts para mapigil ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang komunidad.
Iginiit din ng grupo ng experts sa mga naturang high risk LGU’s ang mas agresibo at epektibong localized lockdowns na may mahigpit na border controls para sa mapigil ang viral transmissions.
Kasabay nito ipinabatid ng OCTA Research Team ang pagbaba ng COVID-19 cases sa national capital region matapos muling magsagawa ng COVID-19 testing ang Philippine Red Cross.