Mayruon nang pantapat ang mga tropa ng pamahalaan sa mga sandata ng teroristang grupong Maute sa Marawi City na naghahasik ng karahasan sa lugar.
Ito’y makaraang tanggapin mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang military assistance na ibinigay ng Chinese government sa Pilipinas.
Personal na sinaksihan at ininspeksyon ng Pangulo ang turn-over ceremony kahapon sa Clark Airbase sa Pampanga kasama si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Juanhua.
Tatlong libong assault rifles na may 5000 bala at 90 sniper rifles na may 800,000 bala ang tinanggap ng Pangulo mula sa China.
Batay sa pahayag ni Ambassador Zhao sa Pangulo, unang batch pa lamang ang nasabing donasyon na nagkakahalaga ng 50 Milyong Yuan o katumbas 371 Milyong Piso.
Bukod pa ito sa kalahating bilyong Pisong donasyon ng Chinese government para sa mga nasugatang sundalo sa bakbakan sa Marawi City bagay na ipinagpasalamat ng Pangulo.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Karagdagang mga armas at tulong para sa mga sundalo ipinagkaloob ng China sa Pilipinas was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882