Magdadagdag pa ng mga paaralan ang Department of Education (DepEd) para sa pilot run ng face-to-face classes kaugnay sa pagbuti ng sitwasyon ng pandemya sa bansa.
Ayon sa DepEd, 484 mula sa 638 ang mga lugar sa bansa na nakapasa sa granular risk assessment bilang ‘minimal o low risk’ ng Department of Health (DOH).
Bukod dito, mas maraming LGUs kabilang ang mga nasa national Capital Region (NCR) ang humiling na maisama ang kanilang paaralan sa pagpapatupad ng face-to-face classes.
Samantala, magsisimula ang nasabing face-to-face class sa Nobyembre 15 para sa 100 pampublikong paaralan habang sa Nobyembre 22 ang 20 pribadong paaralan. —sa panulat ni Airiam Sancho