Patuloy ang evaluation ng Philippine National Police (PNP) sa ginawang pananambang kay Mayor Randy Climaco ng Tungawan Zamboanga Sibugay.
Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez, hindi pa nila itinuturing na election related ang nangyaring pagpatay kay Mayor Climaco.
Ipinag-utos na ni Marquez ang pagdaradag ng puwersa sa Zamboanga Sibugay makaraan ang pagpatay kay Climaco.
Sinabi ni Marquez na pinaghandaan naman nila ang mga posibleng karahasang mangyayari subalit nagkataon na sa liblib na lugar tinambangan si Climaco samantalang nakatutok sa urban centers ang mga pulis dahil naroon ang lugar kung saan maghahain ng certificate of candidacy ang mga kandidato.
Si Climaco ay tinambangan at napatay ilang oras lamang matapos itong maghain ng kanyang COC.
By Len Aguirre | Jonathan Andal