Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng karagdagang P1.5-B na pondo para sa mga Local Government Units (LGUs) na matinding sinalanta ng bagyong Ulysses.
Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, hiwalay pa ito sa naunang P1.5-B na augmentation fund sa mga LGUs sa CALABARZON, MIMAROPA at Bicol na tinamaan naman ng bagyong Quinta at Rolly.
Dagdag ni Avisado, naglaan na rin sila ng P500-M na buffer o nakaabang na pondo para sa mga lokal na pamahalaang hindi agad naisama sa report ng mga nasalanta ng bagyong Ulysses.
Kasunod nito, agad naipinag-utos ni Pangulong Duterte ng pagpapalabas ng naturang pondo upang maipaabot sa mga apektadong LGUs.
Nangako naman si avisado na agad maipalalabas na ng Bureau Of Treasury ang naturang augmentation fund ngayong araw.