Karagdagang 10 bilyong piso ang kailangan ng Commission on Elections para sa ipinagpalibang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa pag-arangkada nito sa Oktubre 2023.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, kabuuang 17.5 billion pesos para magdaos ng halalan sa susunod na taon mula sa orihinal na schedule na December 2022.
May budget anya na 8.5 billion pesos ang poll body para sa botohan, kung saan 1 billion pesos na ang ginastos.
Gagastos din ng 5.7 billion pesos para sa honoraria ng mga guro na magsisilbing poll supervisor.
Aabot naman sa 900 million pesos ang ilalaan sa pag-imprenta ng karagdagang mga balota dahil inaasahang mas maraming botante ang magpapatala para sa voter registration sa huling bahagi ng Nobyembre.
Bukod pa ito sa 300 million pesos na ilalaan sa pagsasanay ng mga manggagawa sa halalan, kabilang ang pagkain, allowance sa transportasyon, renta sa mga venue at bayad ng COMELEC sa militar, pulis at coast guard sa pagbibigay ng mga tauhan.