Nag-alok ng karagdagang sampung milyong piso (P10-M) si Pangulong Rodrigo Duterte bilang patong sa ulo ni Abu Sayyaf Leader at Islamic State Emir Isnilon Hapilon.
Kinumpirma ito ni Martial Law Implementor at Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff General Eduardo Año para sa sinumang makapagtuturo kay Hapilon na siyang utak ng pag-atake sa Marawi City.
Bukod pa ito sa limang milyong dolyar ($5-M) o dalawandaan at limampung milyong pisong (P250-M) bounty na ibinigay ng Amerika at pito punto apat na milyong piso (P7.4-M) na una nang ibinigay ng gobyerno.
Maliban kay Hapilon, mayroon ding tig-limang milyong pisong (P5-M) patong sa ulo ang magkapatid na Omar at Abdullah Maute na siyang kasama ni Hapilon sa pagkubkob sa Marawi City.
By Jaymark Dagala | With Report from Jonathan Andal