Isinusulong ni Senator Grace Poe ang dalawang bilyong pisong additional fund para sa implementasyon ng school based feeding program.
Ayon kay Poe, kailangan ang naturang pondo upang maibigay ang nutrisyon na kinakailangan ng mga estudyanteng nakararanas ng malnutrisyon.
Giit pa ni Poe, mahalagang mamuhunan ang bansa sa kinabukasan ng kabataan sa pagmamagitan ng pagsuporta sa kanilang nutrisyon.
Samantala, naglaan ang Department of Education o DepEd ng 5.3 bilyong pisong pondo sa panukalang 2018 General Appropriations Act para sa feeding program ng mga estudyante.
—-