Itinutulak ni Senator Mark Villar ang pagkakaroon ng karagdagang P2,000 transportation allowance para sa mga empleyado ng gobyerno.
Makatutulong umano ang Senate Bill 1625 para sa mga kawani ng gobyerno dahil ang malaking porsyon ng sinasahod ng mga ito ay napupunta sa pamasahe o sa gasolina.
Sa ilalim ng panukala, mabibigyan ng transportation allowance ang lahat ng mga empleyado ng gobyerno na may permanent status. – sa panulat ni Hannah Oledan