Umapela ang Commission on Elections (COMELEC) sa kongreso para sa karagdagang tatlong bilyong piso para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) election.
Nanawagan si COMELEC Chief George Garcia sa pagdinig ng House Suffrage and Electoral Reforms Committee na taasan ang bawat araw na honoraria ng mga guro.
Ayon kay Garcia, ibinigay sa poll body ang walo punto apat na bilyong piso na budget ng COMELEC para sa Baragay at SK polls sa december 5 2022 bago na-veto ang tax exemption sa honoraria.
Dagdag pa niya, magsisilbing compensation sa pagkawala ng tax exemption ang dagdag sa sahod ng mga guro.
Matatandaang ivineto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang nage-exempt ng kompensasyon ng poll duty mula sa buwis at may layuning i-wasto ang hindi pagkakapantay-pantay sa sistema ng buwis sa bansa.
Muli namang inihain ng House of Representatives Makabayan Bloc ang panukalang mage-exempt sa serbisyo ng halalan mula sa mga buwis.