Karagdagang P49 bilyon budget ang hiling ng Department Of Health (DOH) sa kongreso upang pondohan ang Special Risk Allowance ng mahigit kalahating milyong healthcare workers.
Ito ang inihayag ni Cebu 5th District Rep. Duke Frasco, sponsor ng proposed P242.2 bilyon budget ng DOH, sa pagpapatuloy ng deliberasyon sa panukalang mahigit P5 trilyon national budget.
Ayon kay Frasco, saklaw ng dagdag pondo ang 526,727 healthcare workers na kasama sa inventory ng kagawaran.
Kabilang din anya ang mga frontlinerna walang direktang exposure sa COVID-19 patients tulad ng mga janitor.
Aabot sa P3,000 ang ilalaan kada buwan para sa mga low-risk healthcare worker habang P6,000 at P9,000 para sa medium-risk at high-risk medical frontliners.—sa panulat ni Drew Nacino