Hihilingin ng DILG na mapasa sa panukalang Bayanihan 3 ang nasa halos P7-B para ipansuweldo sa dagdag na 25,000 contact tracers na tutulong sa COVID-19 response ng bansa hanggang sa susunod na taon.
Ayon ito kay DILG Undersecretary Epimaco Densing,III matapos nilang mapagpasyahan ang panukala para maabot ang ideal contact tracing ratio na 1 is to 800.
Bukod dito, ipinabatid ni Densing na dapat ding kumuha ang LGU ng sariling contact tracers nito para makatulong sa gobyerno na tukuyin ang mga posibleng may dala o nagtataglay ng Coronavirus.
Una nang inanunsyo ng DILG na inaprubahan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pondo para sa rehiring ng 15,000 contact tracers na makakatuwang ng gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 pandemic hanggang sa katapusan ng taong ito.