Hinimok ng transport advocacy group na The Passenger Forum (TPF) ang MMDA na mag-deploy ng karagdagang public utility vehicles o iba pang mass transport vehicles.
Ito, ayon kay TPF Convenor Primo Morillo, ay bago ibalik ang number coding scheme sa Metro Manila.
Naniniwala si Morillo na “premature” pa ang pagbabalik ng nasabing sistema lalo’t hindi pa sapat ang bilang ng public mass transportation options para sa mga mananakay.
Dapat anyang maabot muna ang pre-pandemic level ng passenger capacity sa pamamagitan ng pagdaragdag ng PUV Bago ibalik ang number coding o Unified Vehicular Volume Reduction program.
Ipinunto ni Morillo na posibleng humaba pa ang pila ng mga commuter sa MRT, LRT, PNR at EDSA bus carousel sakaling ibalik ang number coding.—sa panulat ni Drew Nacino